Ako ay naglalakad sa isang madilim na daanan patungo sa aking tahanan nang bigla akong naabutan ng ulan. Sa haba ng daang aking tinatahak nakaramdam ako ng pagkapagod at pagkahapo.Sinubukan kong itong takbuhin upang mapadali ngunit ako'y nadapa at nagtamo nang sugat. Siguro dahil sa aking kabilisan ay nakalimutan ko nang tumigin sa aking kapaligiran. Pilit kong iniinda ang sakit na ginagawa ng aking sugat dahilan sa aking pagkakadapa, sinikap kong umahon kahit takot na takot akong harapin ang aking sarili sa kadiliman na ako lamang ang may gawa, Humanap nang silugan? Oo, ngunit isang upuan sa gitna nang daanan ang aking nakita, Inupuan ko ito para magpahinga, sa mga sandaling iyong ako napamuni..."Isang upuan sa gitna nang daanan?"hmmm...tumigin ako sa kalagitan upang damhin ang lamig ng ulan na pumapatak sa aking mukha.Tanging ang tunog ng malumanay na patak ng ulan ang nakakapagpakalmado sa aking gayun din naman ang pagkakagulangtang ko sa malakas na kulog. Makatapos nang ilang minutong pagpapahinga ay nagsimula uli akong lakarin ang masukal na daanan patungong tahanan..Tanging ang kirot ng sugat ang napapapatuloy sa aking maglakad patungo bahay kahit na ako ay hinang-hina na.
Nang makauwi..sinikap kong magpatuyo at gamutin ang sugat na bunga nang pagkakadapa ko sa daan. Nang matapos kong gamutin ang aking sarili ay halos gumapang naman ako patungong kama na kung saan bumigay ang pagod kong katawan...Nakahanap ako ng katahimikan sa gitna nang ulan, habang pinaghehele ako ng himig na gawa ng patak ng ulan sa mga dahon ng puno at halaman na nasa paligid ng aking tahanan.
Hindi parin tumitigil ang pag-ulan.
Lumipas ang mahabang oras at lumalim pa ang gabi,
Maya-maya lamang ay di ko na namalayan na unti-unting akong nakatulog.
Isang mainit sikat ng araw ang tumatama sa aking mukha at and tunog ng mga ibong naaawitan ang gumising sa akin.Unti-unti akong tumayo habang binubuksan ang aking bintana..
Napatingin ako sa aking paligid habang humihigop ng mainit na kape, nakita ko ang mga munting ibon sa isang puno na nagtitipon upang magraos nang kanilang almusal, sa puntong iyong akoy napabulong sa aking sarili "Hindi unos hindi ulan o kahit masira man ang tahanan ng mga maliliit na nilalang na ito, patuloy silang magsisikap na makahanap nang masisilungan at makakain upang mabuhay sa lupit nang buhay meron dito sa mundo.At pagkatapos kong maubos ang aking kape hangang sa huling patak nito ay naikumpara ko ang aking sarili sa mga munting ibon ..Ang mga pangyayaring nangyari sa akin kagabi.."Ang sugat ng kahapon sa aking pagkakadapa na gumihit sa akin balat tanda nang aking pagmamadali sa isang daanan na puro na hirap at dusa, sakit at pagkalugmok na aking tiniis. At sa gitna nito ang upuan ng muni-muni ang nagbigay nang silong ko sa mahabang tahak na aking dinadaanan at ang lamig ng ulan ang nagpakalmado sa aking damdaming na takot at nagagamba..Ikaw naranasan mo na bang makaupo sa upuan nang Muni-muni?









hanggang sa muli,
maria agnostika
--
[link] <---- follow maria's path into her own wonderland.
"Do you know what human beings think about when they're in pain? God? No! They call out God's name.But deep inside their souls... they curse the God who gave them
salamat sa pagbisita sa aking pahina. lubha kong ikinagalak ang iyong pagpili sa isa kong ginuhit bilang iyong paborito. ako'y gayundin naman ay namangha sa iyong mga dibuho.sadyang napakarikit pagmasdan.
maraming salamat.
lubos na gumagalang,
maria
(buwan ng wika glitch)XD
--
[link] <---- follow maria's path into her own wonderland.
"Do you know what human beings think about when they're in pain? God? No! They call out God's name.But deep inside their souls... they curse the God who gave them
--
Breathe......as the soft morning air enters smoothly deep down through my lungs and the cold moist from my window manifest by the fog, the sweet melody of the birds singing merely as the sunset arises awakening the flower's to bloom, and another day4 me
--
Wher eler Arelaimes?
Arboris Mucus!
Symbiosis Producitons
Previous Page12345...Next Page